lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu maulit man – gloc-9

Loading...

[intro: gloc*9]
may mga pangako na kahit ‘di masabi pa
basta makasama ka sinta
laging bubuhatin ko ang mga pasanin mo
ika’y aakayin ko sa tuwina

[grace cristobal, gloc*9]
kapit ka lang sa akin, ‘di tayo bibitaw
salubong man sa hangin ay ‘di maliligaw
mahigpit kang yayakapin kapag giniginaw
ako lamang at ikaw
ang siyang bida sa storya at kwento nating dal’wa
pupunasan ang luha kaya’t panghawakan mo na
gagalangin, pipiliin, mamalagi lang sa ‘yo
makapiling, susulitin, kung maulit man ito
hahanapin ako’y lagi lamang babalik sa ‘yo
at ang tanging dalangin ko lang ay ang pagmamahal mo

[rap verse: gloc*9]
tanda ko pa noon nung tila yata ang lahat
kahit hindi sumisigaw ay palaging malat
sumusugod sa ulan at hanging pasalungat
pero kapag kasama ka ay walang mabigat
bubuhatin at papasanin ko ang ano man
pagmamahal mo sa’kin nais kong masuklian
ng*yon, bukas o kahapon aking babalikan
basta para sa’yo ay hindi ko hihindian
natutupad lang ang pangarap ‘pag kapiling ka
balewala ang yaman ‘pag ako’y nag*iisa
madami mang ‘di sigurado sa tanong nila
‘yan lamang ang palagi kong sagot hindi maiiba
palasyo man o kubo, kahit wala sa uso
ako ang siyang kasama mong malayo man ang dulo
masugatan man ay hindi ko isusuko ‘to
panghawakan mo, paka*iingatan ko ang puso mo
[grace cristobal,gloc*9]
bawat gising pipiliing tumanda sa piling mo
susuyuin, susulitin, kung maulit man ito
bawat linya ng storya at kwento nating dal’wa
‘di kailangan pang lumuha kaya’t panghawakan mo na

[grace cristobal, gloc*9]
kapit ka lang sa akin, ‘di tayo bibitaw
salubong man sa hangin ay ‘di maliligaw
mahigpit kang yayakapin kapag giniginaw
ako lamang at ikaw
ang siyang bida sa storya at kwento nating dal’wa
pupunasan ang luha kaya’t panghawakan mo na

[outro: gloc*9,grace cristobal]
may mga pangako na kahit ‘di masabi pa
basta makasama ka sinta
laging bubuhatin ko lahat ng pasanin mo
ika’y aakayin ko sa tuwina

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...