lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu silakbo – gwyneth jewel

Loading...

pumapatak na naman ang luha
tila naiipon ang bigat—
hindi makahinga
parang nalulunod—
minsa’y mundo’y parang dagat
hindi ko malangoy

parang naliligaw kung hanapin ang sarili
—kahit saan pa mapadpad;
nalulugmok
minsa’y hindi mapakali—
tumatakbo, sumisigaw
nadadapa’t sugatan pa rin

pre*chorus
nakakatakot ang mundo
bawat galaw mo’y
may nakaabang sa’yo—
kala ko ba’y may kalayaan—
bakit ‘di ko na maramdaman?

chorus
silakbo—
umaalpas ang damdamin—
‘di patatalo!
sugatan ngunit lalaban
may kabiguan ma’y kakayanin ko!
bawat pagdududa ng iba’y
‘di papansinin—
kayang harapin, sarili’y hahanapin!
‘di mabibigo, oh
paulit*ulit mang hilahin pababa
—patuloy akong aakyat
alam kong may pag*asang sisibol
panibagong umaga
—ito’ng aking tadhana

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...