lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu mirasol – joey ayala

Loading...

[verse 1]
bulaklak ng araw, sa silangan nakatanaw
‘di ka nasisilaw sa pagbangon ng ilaw
mata mo’y nag*iisa, ngunit kataka*taka
mas marami kang nakikitang liwanag

[chorus]
mirasol, kay lalim ng gabi
kami ay naghihintay na makita ang liwanag
mirasol, kami ay katulad mo
kami ay nagdarasal na makita ang umaga

[verse 2]
ikaw ay nakatayo sa balikat ng bundok
saksi ka sa pagsubok ng katimugan
kulay ng ginto at dugo, sa iyo’y naghahalo
saksi ka sa pagbangon ng sangkatauhan

[chorus]
mirasol, ano ang ‘yong nakikita?
kami ba’y tumatawid sa gilid ng umaga?
mirasol, kami ay ipagtanggol
kami ay katulad mong nakatutok sa silangan

[instrumental break]
[chorus]
mirasol, ano ang ‘yong nakikita?
kami ba’y tumatawid sa gilid ng umaga?
mirasol, kami ay ipagtanggol
kami ay katulad mong nakatutok sa silangan

[outro]
oh woah woah woah woah
woah woah

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...