lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu kahapon – johnoy danao

Loading...

alam kong tapos na ang kahapon
ngunit, sa ‘king puso’t isipan ay ‘di nawala
huling taon ng pagsasama

nasa’n na kaya ang bawat isa?

mga sikretong ‘di maitago
mga magulang, ‘di tayo maintindihan
natutong umibig at may nabigo
sabay nanumpang sana’y walang magbago

hanggang doon na lang ba tayo sa alaalang maglalaho?
hanggang doon na lamang ba?
hinubog ang mga pangarap, minulat ang puso at diwa
patungo sa hamon ng bukas
ikaw, ako, tayo ay bunga ng kahapon

ilang taon na ang lumipas
may kapit pa ba ang ating dating samahan?
alam kong kanya*kanya na tayo
sa araw na ‘to, muli nating balikan

hanggang doon na lang ba tayo sa alaalang maglalaho?
hanggang doon na lamang ba?
hinubog ang mga pangarap, minulat ang puso at diwa
patungo sa hamon ng bukas
ikaw, ako, tayo, pinagbigkis
ikaw, ako, tayo, pinagtagpo
ikaw, ako, tayo ay bunga ng kahapon
(gusto kong balikan, kahapong nagdaan)
(kay sarap balikan, muling maramdaman)

hanggang doon na lang ba tayo sa alaalang maglalaho? (gusto kong balikan, kahapong nagdaan)
hanggang doon na lamang ba? (kay sarap balikan, muling maramdaman)
hinubog ang mga pangarap, minulat ang puso at diwa (gusto kong balikan, kahapong nagdaan)
patungo sa hamon ng bukas (kay sarap balikan, muling maramdaman)
(gusto kong balikan, kahapong nagdaan)
(kay sarap balikan, muling maramdaman)

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...