lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu alapaap ii – joshua daniel nase

Loading...

[verse 1]
madalas akong nagugulumihanan, yeah
madalas hindi alam ang kasagutan, mm
sarili ay laging pinagdududahan
subalit ‘pag ikaw na’ng pinag*uusapan
mga duda’y nagiging kasiguraduhan
balik sa katinuan, ‘wag mo na ‘kong layuan, yeah
ako’y buo ‘pag ika’y nandiyan
sa tuwing natutunugan boses mo’y nabubuksan
aking puso at utak nagkakasunduan
madalang mangyari ‘yan, hindi ito biruan
akin nang sisimulan, mundo mo’y pipintahan
‘di man maintindihan, ‘lang pakialam
dalawa lang nilalang sa storyang nilalahad

[pre*chorus]
lumulutang ang aking pakiramdam
sa presensya mo’y laging gumagaan
naglalaho lahat ng aking pasan
bawat hakbang ko sa mundo’y sa wala ‘ko nakatapak
para bang tinubuan na ‘kong pakpak

[chorus]
ako ay nasa alapaap
ako ay nasa alapaap na
ako ay nasa alapaap na
‘di mo lang alam
ako ay nasa alapaap
ako ay nasa alapaap na
ako ay nasa alapaap na
‘di mo lang alam
[verse 2]
madalas kong pinipili na mapag*isa, yeah
tinatak sa utak ‘di kailangan ng iba, mm
sa kadahilanang ito’y mas payapa
subalit ang damdamin ko’y mas k*makalma
sa braso mong nakapalibot sa’king katawan
hinding*hindi na ako manlalaban
sana nga’y wala na ‘tong katapusan
dinadala mo ang aking kaluluwa
sa mga lugar na kailanma’y hindi ko pa napuntahan
kalaunan ay natuklasan mo rin ano ang
kahinaan ng mga hinarang kong balakid
sa’king harap at parang inaral mo ang bawat “bakit”
sa aking katauhan bago pumasa

[pre*chorus]
lumulutang ang aking pakiramdam
sa presensya mo’y laging gumagaan
naglalaho lahat ng aking pasan
bawat hakbang ko sa mundo’y sa wala ‘ko nakatapak
para bang tinubuan na ‘kong pakpak

[chorus]
ako ay nasa alapaap
ako ay nasa alapaap na
ako ay nasa alapaap na
‘di mo lang alam
ako ay nasa alapaap
ako ay nasa alapaap na
ako ay nasa alapaap na
‘di mo lang alam
[bridge]
hanggang sa aking huling pagbuga ng hininga
hiling ko sana ay parating naririyan ka
‘di man mapakita lagi ang nadarama
gusto ko lamang na ng*yon ay malaman mo na
ikaw ang nagiging sandalan sa mga oras na
ako’y nadudulas papunta dun sa kawalan
ikaw ang anghel na lumalaban sa demonyong
namamalagi dito sa loob ng aking isipan, yeah

[chorus]
ako ay nasa alapaap
ako ay nasa alapaap na
ako ay nasa alapaap na
‘di mo lang alam
ako ay nasa alapaap
ako ay nasa alapaap na
ako ay nasa alapaap na
‘di mo lang alam

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...