lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu nirvana – jude the zaint

Loading...

pagkatapos ng mahabang lakaran narating ko rin ito
di ko inaasahan na maraming aanihin bukod sa ginto
maraming naranasang makabuluhan at basura sa daan
naimulat na ang kaisipan at natuto sa nakaraan

ng*yong hawak na ang kapangyarihan anong dapat na gawin
tanong na mahirap sagutin, dahil napakahirap na dalhin
ito ba ay gagamitin sa mas malaking pakipakinabang
o tamang bubulukin sa libliban hanggang kinalaw*ng

ako hindi, ito’y gagamiting ilaw para magbig*y liwanag
nang magsilbing aral at gawing hulmahan ang aking mga tinahak
makakamtan ko’y isang buhay na resulta sa marami
at para hidi lang kame kundi marami ang makaani

ito na nga siguro iyong sinasabing pananaw na malawak
napaka peligroso, kung di marunong ang may hawak
ah basta ako gagamiting ilaw para magbig*y liwanag
sana ganun ang lahat pag sila naman itong nabigyan at tinawag

aking gagawin nararapat na kamtin
gamit bagong kaalaman na sing lalim ng bangin
ako ay nasa alapaap, pataas aking tingin
hinding hindi na bababa hanggang maabot ko ang bituwin

aking gagawin nararapat na kamtin
gamit bagong kaalaman na sing lalim ng bangin
ako ay nasa alapaap, pataas lamang ang tingin
hinding hindi na bababa hanggang maabot ko ang bituwin
puyat at hindi pa rin ako makatulog
ilang tupa pa ba ang bibilangin nang mahulog
na ako sa antok
bigat na ng aking mata
nagdidiw*ng ang diwa
ayaw nito na magpahinga
nakatitig sa kisame
timpla ba ko ng kape
magdamagang digmaang
mga kamay nangangate
umukit
gumuhit
umulit
pumunit
paulit
ulit
habulin
hanggang
mahuli’t
masulit
ang hating gabi

umaga na nagising
nasa mukha ko si muning
yung hinahayop ng tao
ay as marunong maglambing
sabay harap sa salamin
naghilamos ka na rin
huling takal ng sinaing
kailangan mong tipirin
minsan dapat tiisin
mga kalat, ligpitin
kung puno na ang basura
tapakan ng may diin
iyong muntikang mawalis
ang isang litrato mo
panahong lagi mong
hawak hawak ang mikropono
palakpak saludo sa’yo
maging ang pamilya mo
kapiraso ng pangarap
na muntikang mabuo

dumating ang tagtuyot
na wala ka nang maani
naubos mga prutas
insekto lang dumami

tumingin ka sa bintana
nung bumuhos ang ulan
hindi mo na rinig kalam
ng sarili mong tiyan

tinanong ang iyong sarili
kung sulit ba lahat
bunga lang ang mananakaw
hindi ang aking ugat

aking gagawin nararapat na kamtin
gamit bagong kaalaman na sing lalim ng bangin
ako ay nasa alapaap, pataas aking tingin
hinding hindi na bababa hanggang maabot ko ang bituwin
aking gagawin nararapat na kamtin
gamit bagong kaalaman na sing lalim ng bangin
ako ay nasa alapaap, pataas lamang ang tingin
hinding hindi na bababa hanggang maabot ko ang bituwin

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...