lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu matatag na republika – ​king*na

Loading...

[chorus]
matata, matata, matatag
matata, matata, matatag
matata, matata, mata
matata, matata, matatag
matata, matata, matatag
matata, matata, mata

[verse 1]
matatag na republikang kinabibilangan
duming sadyang inipon naging perlas na sinalang, silanganan
kahit anong biyaya ni bathala
anumang yaman ng bayan, matagal nang nawala
winala, o binalewala, kaya’y maling akala, binitay
katok-katok na lang sa kapitbahay
parang awa niyo na po’t nakasalalay aming buhay
sa tira-tirang pagkain na nanggaling rin sa amin
(parang awa niyo na)
wala na ba kayong tinapay diyan?
sa masaganang lupa, ‘tong k-mukulo na tiyan
at sa kulog at kidlat pa dinaan
hinihingi lang namin saktong ani, saktong buhos ng ulan
iba ‘tong

[chorus]
matata, matata, matatag
matata, matata, matatag
matata, matata, mata
matata, matata, matatag
matata, matata, matatag
matata, matata, mata-

[verse 2]
-tag, matatag na republikang
kahit anong problema lang makita o ramdam
‘di baleng nilalamon ng dagat kada habagat
o nababaon sa utang o yung bata sa kabaong
o nakabarong na buwaya o ‘lang lupa’t nakisama
o ‘yang tuta sa palasyo o berdugo na bulag
ating diwa’y matatag
kung buong taon man ‘yan o isang siglong paghihirap
edi tayo’y papalag
napilitang k-magat na lang, k-mapit sa bangin
ilang oras kada araw, pinapagod, salarin pa tayo
kung ‘di sumunod sa tinakdang batas sa lupa
tinakdang batas, kung sino man silang nagtatakda bahala na
i say i’m proud to be pinoy!
boksingerong senador
number one sa kada pageant at sa pagpatay ng makakalikasang aktibista
puting buhangin, ating presidenteng terorista na antukin at baliw
kahusayan ng pinoy nasasapawan ng dayuhan
sa kanto sa caloocan matutukan ng baril sa ating

[chorus]
matata, matata, matatag
matata, matata, matatag
matata, matata, mata
matata, matata, matatag
matata, matata, matatag
matata, matata, mata
matata, matata, matatag
matata, matata, matatag
matata, matata, mata
matata, matata, matatag
matata, matata, matatag
matata, matata, mata-

[verse 3]
-tag pa ako bilang rebelde? okay sige
magkamukha nga onti itong dila at ‘yang riple pero
mas naging problema pa bibig ko’t
kada araw nga, patayan sa labas
makinig ka lang sa radyo, ‘sing dalas patalastas
na may tinira na naman, kaya’t gumamit ng dahas kung sino man
masanay na kayo, isang tiyang walang laman
ay magsusuka ng banat at banta, kaya’y bangis
‘tong mga kupal na pulis at militar at palayasin na’t
punong-puno ng galit, kingina, kaingin
diyan sa palay, kada butil ng bigas nakasandig ang pilipinas
pero dito s’atin, bala ay binhi sa ating

[chorus]
matata, matata, matatag
matata, matata, matatag
matata, matata, mata
matata, matata, matatag
matata, matata, matatag
matata, matata, mata
matata, matata, matatag
matata, matata, matatag
matata, matata, mata
matata, matata, matatag
matata, matata, matatag
matata, matata, matatag na republika

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...