lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu hawak – kolateral, tao

Loading...

hawak ang iyong kamay sa paglapag
sa mundong hindi tanggap ang ating pagsasama
maraming salita sa harap, sa kanan at kaliwa
ngunit hindi mat-tinag (mga puso natin handa)

sigaw nilang lahat (mga bata pa kayo)
dami niyong kailangang malaman
musmos pa lang kami (ganito na ang buhay)
ito na ang katotohanan

pinili mong k-mayod upang suportahan
ang aking pag-aaral, ang ating hinaharap
hindi tayo takot (kahit na mahirap pa)
mundo ay iikot
walang alinlangan (basta’t makasama ka)
kahit na gutom (basta’t makasama ka)
(basta’t makasama ka)

hawak ang iyong kamay pauwi mula sa araw na kay haba
kahit na mahirap ang buhay basta’t makasama ka
sa dilim, may nagmamasid, dinig ang baril na kinakasa
sa pagputok ay ninakaw ka nila
at pagpikit ng iyong mata
hindi kita maiwan
hindi kita maiwan

hawak ang iyong bangkay sa pagpatak ng mga luha
di ko pa rin tanggap na wala ka na
anong magagawa

giliw, ako’y takot (pagka’t mahirap ang)
mundo ay iikot
nang wala ka na (bakit ba kinuha ka)
dami kong tanong (bakit ba kinuha ka)
bakit ba kinuha ka sa akin

hawak ang mumunting kita mula sa araw na kay haba
lunod na lunod na sa hirap, may pag-asa pa kaya
sa dilim, may nagmamasid, dinig ang baril na kinakasa
sa pagputok, ang sakit ay dama
sa pagpikit ng aking mata

ang buhay ba namin barya
para sa katulad nila
walang laman tiyan
pero katawan namin punung-puno ng tingga
karahasan ba ang sagot
karapatan ba ay limot
anong dahilan
anong dahilan ba nito

sa huli, magkatabi silang ililibing
wagas na pag-iibigan kinitil
sa pagsara ng kabaong nila

ang hustiya ba’y bulag
nalulunod sa dugo
ang hustiya ba’y bulag
nalulunod sa dugo
ang hustiya ba’y bulag
nalulunod sa dugo
ang hustiya ba’y bulag

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...