lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu buhay – lenin (ph)

Loading...

ito ang buhay namin
mga alikabok lamang sa hangin
pangakong kinapos sa p*n*langin
hanggang sa’n ang walang
hanggang sa’n ang walang hanggan

ito ang buhay namin
mga alikabok lamang sa hangin
pangakong kinapos sa p*n*langin
hanggang sa’n ang walang
hanggang sa’n ang walang hanggan
mga lason ng kahapon na kailangang maitapon
gagawa ng panibagong kabanata para sa naglahong
alaala ng kasanayan, kasabay ng paglubog ng kalayaan at kamalayan
ay ang mga kataw*ng buhay ang inaabot kaso kamatayan ang nakamayan

sa dami ng pinaniniwalaan, nakalimutan na kung ano ang mas kailangan
bukod sa kahirapan na mahirap iwanan, natutulog sa gitna ng panganib at kaligtasan
pero ayos lang dahil wala namang makakapigil sa araw*araw na kilos ng maralita
tsaka lamang matatapos ang lahat ng pagdurusang dinadanas ‘pag di na sila makahinga

ano’ng pwede mong gawin para sa kanila? subukan mong bigyan ng trabaho
tapos ang sahod lang na magkano, tatlong araw bago maglaho
mas mabilis pa sa alas*kwatro, tanungin mo pa kung paano
sila tumatagal, diyan papasok ang pamemerwisyo ng ibang tao

sige, pulutin niyo na ‘yan, kitang*kita kong siya yung humablot ng wallet niya
ano, papalag ka pa bang b*st*rdo ka? huling huli ka na sa kamera
e ano pa bang pagpipilian ‘pag ang kalam ng tiyan ay di mabilang
mabuting mabulok na lang sa kulungan, di rin naman ‘yon mapagsisisihan

ito ang buhay namin
mga alikabok lamang sa hangin
pangakong kinapos sa p*n*langin
hanggang sa’n ang walang
hanggang sa’n ang walang hanggan
ito ang buhay namin
mga alikabok lamang sa hangin
pangakong kinapos sa p*n*langin
hanggang sa’n ang walang
hanggang sa’n ang walang hanggan

kung totoo man ang habang*buhay, kakaumay
hinahangad na langit ng karamihan ay nasa gulay
kung ayaw ng madilim, tumikim ng kabute, pampakulay
pero kung gusto mong magpahaba ng sung*y, magpakulo ng bato o talampunay

bawat pagbalasa, mga kaluluwa’y umaasa sa magandang hanay ng baraha
bumababa si kristo sa kanyang krus para lamang makitaya sa dalaw*ng kara
kaso minsan kahit na gaano ka kaangas, iiyak ka rin kapag napagtripan ng malas
para kang puno na sinisilungan ng marami pero ng*yon, lahat ng dahon ay nalagas

desperado na sa pagkakabusog, hindi na napansin na may nakaturok na lason sa mansanas
pero sa kabila ng mga malagim na desisyon ay nagawa pa rin nila na makatakas
malupet magtakip ng baho, parang mga graba sa simentong hinalo
balewala lahat ng bumangga sa kapal ng mga kasalanang itinago

‘pag di marunong makuntento, kahit kelan ay hindi makakamit ang pagiging k*mpleto
maliban na lang kung isa ka sa mga pobre na ang buhay kalahati ng isandaang porsyento
pwede kang sumugal, pwede ring hindi, sa huli, sa isang pintuan lamang ang diretso
do’n mo malalaman na wala palang premyo, at walang daan na palabas ng impyerno
ito ang buhay namin
mga alikabok lamang sa hangin
pangakong kinapos sa p*n*langin
hanggang sa’n ang walang
hanggang sa’n ang walang hanggan

ito ang buhay namin
mga alikabok lamang sa hangin
pangakong kinapos sa p*n*langin
hanggang sa’n ang walang
hanggang sa’n ang walang hanggan

puro pagdurusa, puro pagdurusa na lang
pera’y paubos na, pera’y paubos na naman
dami nang panahong dumaan, gano’n pa rin ang mundo
‘pag nakausap mo ‘yang diyos niyo, pakisabi na hindi ko ‘to ginusto

puro pagdurusa, puro pagdurusa na lang
pera’y paubos na, pera’y paubos na naman
dami nang panahong dumaan, gano’n pa rin ang mundo
‘pag nakausap mo ‘yang diyos niyo, pakisabi na hindi ko ‘to ginusto

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...