
alimpuyo - magnolia sabas lyrics
[verse 1]
ang buhay nga ng tao dito sa ating mundo
parang isang buhawi, ang hangin ay kay tindi
tibay ang siyang kailangan upang tayo’y mabuhay
taas ng iyong pangarap, huwag hayaang bumagsak
[pre*chorus]
huwag sanang kailan ma’y limutin
na tayo’y galing sa ibaba
ang lahat ay ‘di maililihim
sa diyos na siyang may likha
[chorus]
alimpuyo, huwag kang tutulad sa alimpuyo
na ang lakas ay parang buhawi, sa isang iglap ay naglalaho
alimpuyo, huwag kang tutulad sa alimpuyo
sa bawat makamtan mong tagumpay, ang lahat ay mayroong hangganan
[verse 2]
huwag nang pagsisihan ang mali mo sa buhay
sa taas ng iyong pangarap, sa lupa rin lalagpak
bakit ganyan ang tao kapag nagtatagumpay
dagling nalilimutan kanyang pinanggalingan?
[pre*chorus]
huwag sanang kailan ma’y limutin
na tayo’y galing sa ibaba
ang lahat ay ‘di maililihim
sa diyos na siyang may likha
[chorus]
alimpuyo, huwag kang tutulad sa alimpuyo
na ang lakas ay parang buhawi, sa isang iglap ay naglalaho
alimpuyo, huwag kang tutulad sa alimpuyo
sa bawat makamtan mong tagumpay, ang lahat ay mayroong hangganan
alimpuyo, huwag kang tutulad sa alimpuyo
na ang lakas ay parang buhawi, sa isang iglap ay naglalaho
alimpuyo, huwag kang tutulad sa alimpuyo
sa bawat makamtan mong tagumpay, ang lahat ay mayroong hangganan
[outro]
alimpuyo
Random Song Lyrics :
- if you let it - thelma kober lyrics
- dusty old man - tift merritt lyrics
- night beats - thomas bangalter lyrics
- antithesis - the voynich code lyrics
- emerald - overkill lyrics
- some people - shapov feat. beverly pills lyrics
- i know i know - homie redd lyrics
- green means go in kentucky too - owls in the attic lyrics
- redácida - pirámides lyrics
- new star generation - lolirock lyrics