lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu bulalakaw – matthew hermosura

Loading...

[verse 1]
ako’y nakakita ng bulalakaw
at ang laman ng isip, natatanging ikaw
dama ang iyong presensya sa malamig na klima
malayo man ang distansya, yakap mo’y nadarama

[chorus 1]
aking bituin
sa gabing madilim
papunta ka ba sa akin?
padala ka ba ng langit?
[verse 2]
ako’y naaninag (ahhh…)
ng iyong kagandahan (ng iyong, ng iyong kagandahan)
ika’y walang katulad (ika’y walang katulad)
maaari ka bang alagaan?

ang dami mong dinaanan (ahhh…)
ngunit ika’y sinaktan lamang (ika’y sinaktan lamang)
noong simula pa sana’y (noong simula pa sana’y)
ako na ang iyong tinamaan

[chorus 2]
aking bituin
sa gabing madilim
ngumiti ka para sa akin
pakinggan ang aking awitin

[bridge]
lumiliwanag
(k*mikislap*kislap)
lahat ng dinaraanan
(guhitan ang kalangitan)
nag*iiwan ng kasiyahan
(ngumiti, ngumiti ka)
o, aking bulalakaw
(mahal ko, mahal kong bulalakaw)
at kung mahulog
(at kung, at kung mahulog)
mawala sa kadiliman
(wag naman, wag naman)
bumagsak sa kalupaan
(huwag kang bumagsak sa iba)
ako ang iyong lapitan
(sa akin ka, sa akin ka)

[last chorus]
aking bituin
sa gabing madilim
papunta ka ba sa akin?
padala ka ba ng langit?

[outro]
bulalakaw, bulalakaw, bulalakaw…
bulalakaw, bulalakaw, bulalakaw…

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...