lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu minahal kita – michael laygo

Loading...

noong una kang makita
alam mo ba sinta
ako ay nagalit dahil masungit ka
ngunit hindi naglaon nakilala rin kita
marunong ka rin naman palang tumawa

at ng kita’y kausapin
ako’y nangangamba
na baka ika’y magalit at umiwas ka sinta
ngunit ako’y namangha dahil sa iyong pinakita
hindi ka naman pala totoong suplada
minahal kita hindi lang dahil maganda ka
minahal kita hindi rin dahil mahinhin ka
minahal kita lalong hindi dahil mayaman ka
minahal kita sa taglay mong pambihira

minsan ako’y lumisan
akala ko hirang
iyong kalilimutan ang bakas ng suyuan
ngunit aking nalaman
buhat sa isang kaibigan
ginagabi ka raw sa ating tagpuan

minahal kita hindi lang dahil maganda ka
minahal kita hindi rin dahil mahinhin ka
minahal kita lalong hindi dahil mayaman ka
minahal kita sa taglay mong pambihira

minahal kita hindi lang dahil maganda ka
minahal kita hindi rin dahil mahinhin ka
minahal kita lalong hindi dahil mayaman ka
minahal kita sa taglay mong pambihira

minahal kita sa taglay mong pambihira

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...