lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu wsk (wasak) – miss ramonne

Loading...

sa iyong mga mata aking muling nakita ang pag-ibig
pagmamahalang hinahanap ng mga tao sa buong daigdig
naniwala, nagtiwala;
baka sakaling tama ang tibok at pintig
‘di akalaing kaya mo akong tignang nakahandusay sa sahig

sino ba ang tama; sino ang may sala
di ko na maalala, bulag na saʼking luha
sa piling mo, iyak-tawa
hirap na may ginhawa
‘di mo na ʼko marinig
hawak mo aking leeg

wasak na wasak
pero baliw pa rin saʼyo
basag na basag ang puso, pero tibok nitoʼy para saʼyo
‘di ko kaya ang lumaban
kung ako na lang ang naiwan

sa himig ng iyong lambing, akoʼy nahihimbing at lumulutang
nakikinig saʼyong pag-amin ng ‘yong damdaming pang-
walang hanggan
naniwala, nagtiwala sa mga bulaklakin mong pan-n-lita
mga pangako mong nasira, mga linya mong paasa
saʼn ako pupunta?

sino ba ang tama;
sino ang may sala
di ko na maalala, bulag na saʼking luha
sa piling mo, iyak-tawa
hirap na may ginhawa
‘di mo na ʼko marinig
hawak mo aking leeg

wasak na wasak, pero baliw pa rin saʼyo
basag na basag ang puso, pero tibok nitoʼy para saʼyo

‘di naman ‘to paligsahan
‘di ako lalaban
iyak luhod, hingi na lang ng patawad

wasak na wasak, pero baliw pa rin saʼyo
basag na basag ang puso, pero tibok nitoʼy para saʼyo
‘di ko kaya ang lumaban, kung ako na lang ang naiwan

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...