lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu kumunoy – pablo (sb19)

Loading...

[as performed at “gitz concert”]

[intro]
sa dami ng iniisip, hindi ko maipaliwanag ang bigat na nadarama
at sa’kin paglaban para bang lagi akong unti*unting hinihila pababa
anong mali sa buhay puso kong nangangamba
at ano mang oras ay puputok na
ba*ba*ba*ba*ba*ba*bye
kaya pa ba*ba*ba*ba?

[verse 1]
pagod na sa paglakad ang aking mga paa
‘di ko naman alam kung sa’n papunta
ako’y nawawala na, gusto ko na mawala na
ang lahat ng ito’y matapos na
ginawa ko naman ang lahat pero ‘di pa rin sapat
ako’y hirap na hirap nang huminga
ba*ba*ba*ba*ba*ba*bye
kaya pa ba*ba*ba*ba?

[pre*chorus]
‘di ko maintindihan, tinik sa’king lalamunan
pa’no nga ba maiibsan bigat ng aking nararamdaman?
gusto ko nang sumuko, ‘di na kaya ng puso
nagdidilim na’ng paligid ko
wala akong magawa, nahulog na sa isang
[chorus]
k*munoy, itong pakiramdam ng nasa k*munoy
lalo lang lumalala, pilitin ko mang lumangoy
‘di pa ako nakakita pero ‘lam kong ito’y k*munoy
k*munoy, k*mu—, k*mu—, k*munoy
nawawala ang liwanag at init ng aking apoy
‘di ko na alam kung pa’no ko pa ba itutuloy
‘di pa ako nakakita pero ‘lam kong ito’y k*munoy
k*munoy, k*mu—, k*mu—, k*munoy

[verse 2]
‘di na bago sa’kin ang pakiramdam ng nasa baba
mabigat ang dala dahil ang puso’y bato na
at habang buhay kong papasanin
habang buhay din ba ‘kong mananatili sa baba
pero ayaw ko na, ayoko na sa baba
kahit may boses pa na magsabi ‘la kang kwenta
alam kong may pag*asa, liwanag nakikita
paulit*ulit na pasakit naghahanap ng himala
patuloy akong lalangoy sa dagat ko ng luha
gano’n*gano’n lang
ano bang inaakala niyo, teka sakit sa tenga
puno na ang bodega, wala nang paglalayan ang inyong panira
matagal ko na ring iniisip ‘to
sabihin niyo nga sa’kin kung anong mali ang ginawa ko
pakiusap, lubayan niyo na ‘ko
lubayan niyo na ‘ko, lubayan niyo na ‘ko
[pre*chorus]
‘di ko maintindihan, tinik sa’king lalamunan
pa’no nga ba maiibsan bigat ng aking nararamdaman?
gusto ko nang sumuko, ‘di na kaya ng puso
nagdidilim na’ng paligid ko
wala akong magawa, nahulog na sa isang

[chorus]
k*munoy, itong pakiramdam ng nasa k*munoy
lalo lang lumalala, pilitin ko mang lumangoy
‘di pa ako nakakita pero ‘lam kong ito’y k*munoy
k*munoy, k*mu—, k*mu—, k*munoy
nawawala ang liwanag at init ng aking apoy
‘di ko na alam kung pa’no ko pa ba itutuloy
‘di pa ako nakakita pero ‘lam kong ito’y k*munoy
k*munoy, k*mu—, k*mu—, k*munoy

[bridge]
oh, kinakailangan ko ng tulong mo, oh
oh, pasensya na’t nakalimutan ko na
lagi lang kayong nariyan sa aking tabi
pamilya, kaibigan na nagmamahal, nagsisilbing
ilaw sa tuwing magulo kong mundo’y nagdidilim
salamat po aking ama, kahit papa’no ako’y makakaahon din

[chorus]
k*munoy, itong pakiramdam ng nasa k*munoy
kita ko na’ng liwanag kaya patuloy lang sa paglangoy
‘di pa ako nakakita pero ‘lam kong ito’y k*munoy
k*munoy, k*mu—, k*mu—, k*munoy
muli uling magliliyab ang init ng aking apoy
kahit na anong mangyari pilit kong itutuloy
‘di pa ako nakakita pero ‘lam kong ito’y k*munoy
k*munoy, k*mu—, k*mu—, k*munoy

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...