lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu lambing – sasaya

Loading...

hayaan mong ako’y maligaw
sa iyong tingin
hayaan mong ika’y tabihan
sa’yong pighati
hahagkan upang gumaan
ang bigat sa’yong dibdib

damhin mo ang aking pagyakap
sa’yong tinatagong pangarap
damhin mo ang aking halik
sa’yong nakakabighaning isip

sa’yo ako’y handang tumaya ng panghabang buhay
ikaw lang ang tanging nagparamdam sa buhay ko ng kulay
sa kabila ng kaguluhan, ikaw ang aking kanlungan
laging nandiyan kung kailangan

o, paano kita ‘pagpapalit?
walang ibang mas kukulit
mas nakaka*inis
mas nakakangitngit sa’yo

damhin mo ang aking pagyakap
sa’yong tinatagong pangarap
damhin mo ang aking halik
sa’yong nakakabighaning isip

ayoko nang matakot sa dilim
sa mga taong may balak na maitim
sa salamin
pag*ibig mo lang ang isasalamin
aalamin ang ibig mong sabihin
ikaw lang ang didinggin

gusto kong ipagsigawan sa daigdig
‘di ko kailangang maghanap buhay—hindi
‘pagka’t ang buhay sa’yo’y ‘di kailangang hanapin o hingin
ito’y kailangan lamang tanggapin

ayoko nang matakot sa dilim
“magkaro’n ng liwanag,”
ako’y bihagin sa’yong lambing
ang liwanag mo sa’kin at ang mundong madilim
paghiwalayin
gawing kaaya*aya sa’yong paningin

hingahan mo pa ako ng buhay
ang salita mo lamang ang hihingahin
sa’yong pahingahan ako’y ‘yong dalhin
sa’yong tabi ako’y ‘yong pagpahingahin

kunin mo lahat ng pagod ko’t lungkot
ako’y hilahin
lahat ng paghihirap ko na’y kunin
para sa pag dating ng aking paghihimlay
mawawala na ang aking pagkatamlay
matatapos na ang aking paghihintay
ang pagkatao ko lamang ang mamamatay
kaya’t sabay sabay magdiw*ng nang walang humpay

dahil sa piling mo nga’y
walang hanggan ang buhay
‘yan nga ang pinangako mong tagumpay
at sa pangako mo nga’y ako’y dadantay
dahil sa lahat nang nangako ikaw lang ang hindi sumablay

at habang hindi pa dumarating
ang araw mong itinakda’y hihintayin
ang pag*ibig mo nga’y hindi na ililihim
ayoko nang matakot sa dilim

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...