lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu suplado – shehyee

Loading...

yo tol, kapatid, repa, tropapips
dre, bro, parekoy at sa mga chicks!
ako nga pala si christopher john ongkiko
nagpapasalamat sa mga tao na sa gigs

namin ay nagpupunta
sa mga nakapunta, yo! kamusta?
pasensiya na puno na
hindi ko na kayo ma-add
don’t worry kasi tanda
ko naman kayong lahat

sa iba lapit lang huwag kayong mag-alala
sa battle lang ako nangangagat
kung minsan ‘di ko kayo napansin
malamang meron lang akong kailangan unahin

at alam ko na gets niyo na yun
kaya di ko na siguro kailangan pang sabihin
pero meron palang iba na matampuhin
kayo ang kailangan ko munang kausapin

bago magtampo pwede ba na easy muna?
pag ‘di nagreply suplado?
pwedeng busy muna?
hindi ako sikat, ito lang talaga
“gawin mo yung pagtratong
gusto mong gawin sayo ng iba” diba?

ganun lang naman kasimple
pag ako yumaman? kayo ay ililibre
oo! pag andoon na ako, ako na ang taya
gusto mo bang sumama?
halina, huwag na mahiya

lapit lang ‘di kami suplado
‘di kami suplado
di ako suplado! 2x

thyro:
kung kayo’y di ko napapansin
huwag sanang magtampo
oh ito’y di mo sana damhin
sana’y pagpatawad niyo

baka kesyo nainis o medyo nabadtrip o
medyo mabilis ang metro ng taxi ko
maraming beses inakala na masungit
pero mabait sa tagahanga na masugid

oh diba ganun lang naman kasimple
pag ako yumaman? kayo ay ililibre
oo! pag andoon na ako, ako na ang taya
gusto mo bang sumama?
halina, huwag na mahiya

lapit lang ‘di kami suplado
‘di kami suplado
di ako suplado! 2x

juan lazy:
magkabila ang kislap ng ilaw na k-mukut-tap
imbes na magpasilaw, ang mata’y dinilat ng
makita ko’t maipakita sa iba na may halong
pagsusumikap ang lahat ng ginawa ko ay

bukal sa loob kahit mahirap
ipaliwanag minsan sa’king kaibigan
pati na rin sa pinsan
kahit na saglit lang
wala namang nagbago, ako parin si christian

sa mga dati nakaalitan, peace diyan pare
wala namang nag-iba sa aking ugali
kahit tal\blado madalas hindi kasali
ng-yon meron ng upuan para sa’kin
na bakante

sa haba ng biyahe, at masikip na traffic
mula sa mandaluyong, papunta ng pasig
sa kalye ko binase ang dala kong gamit
sa battle naman ako tigre kung magalit

kaya wag ka matakot na lumapit magpa-pic
kung aabot gl kita sa gig para astig
kayo ang vip sa kantang ‘to kapatid
kung gusto mo uulitin ko kung di mo nabatid

diba ganun lang naman kasimple
pag ako yumaman? kayo ay ililibre
oo! pag andoon na ako, ako na ang taya
gusto mo bang sumama?
halina, huwag na mahiya

lapit lang ‘di kami suplado
‘di kami suplado
di ako suplado! 2x

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...