lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu samin – smugglaz (phl)

Loading...

[intro]
dj paul of the beat

[verse 1]
mula nung una haggang dulo at sa kalagitnaan
nang gera at digmaan na ‘to’y magkabilaan ko na
palaging tangan sa kaliwa’t sa kanan
mga pinanghahawakan ko na ‘di mabitawan
nagpatuloy sa pagsulat paglikha’t paggawa niya
nang melodiya’t ritmo ng rima’t mga bara
sumikat, makilala, tinig maisa*plaka
kahit na para bang hindi gano’n katingkad ang pag*asa
sa tulad ko na tulad din ng ilang hikahos
lumaking wasak ang pamilya, ‘di pa nakapagtapos
kulang sa kaalaman, sa salapi din ay kapos
anumang mero’n at wala’y aking ng pinagpasa*diyos
sa likod ng mga sala ko’t gawain na haram
pagbigyan man o hindi ang mga dalangin kong asam
dumiretso, lumiko, mapraning o tumino
magtagumpay o mabigo, langit lang ang may alam
[pre*chorus]
kahit marami mang putik sa’king talampakan
alam kong babakas pa rin ang mga yapak ko sa ‘king bawat daraanan
malubak o madulas, may handa akong tumulay
hanggang sa dulo ay ‘di mapapahumpay
ang gutom na taglay, hanggang mapasakamay
at maiuwi ko sa’min ang tagumpay

[chorus]
sa’min ang tagumpay
mauwi ko sa’min ang tagumpay
mauwi ko sa’min ang tagumpay
mauwi ko sa’min ang tagumpay (ahh)

[verse 2]
sinubukang maglakad*lakad ng mabawasan ang inip
naging ‘sang batang palaboy na kung sa’n*sa’n tumitira
sa ilalim ng tulay sa delpan, pedicab o jeep
sa sikip ng mundo sa plastic labo na lang huminga
sa mura ko na gulang, natuto magkagulang
nagkapangil, nagkasung*y, buntot na lang ang kulang
sa mundo na madupang, walang kapatawaran
man ang maging kabayaran ng buhay ko na utang
nang biglang sumindi, bumbilya niyang punde
may boses na bumulong, ang sabi “‘di pa ‘yan huli”
ika’y ‘di lang kabuti, kundi lotus na halamang
kayang mamukadkad, kahit sa tubig na marumi
habang nakaharap sa salamin ng mag*isa
inaral kalasan ang maling sistemang nakabisa
tila nagsikap pa din na ‘wag mahambing sa kanila
[pre*chorus]
kahit sa’min ay mahirap ang maging kakaiba
dahil kahit marami mang putik sa’king talampakan
alam kong babakas pa rin ang mga yapak ko sa’king bawat daraanan
malubak o madulas, ma’y handa kong tumulay
hanggang sa dulo ay ‘di mapapahumpay
ang gutom na taglay, hanggang mapasakamay
at maiuwi ko sa’min ang tagumpay

[chorus]
sa’min ang tagumpay
mauwi ko sa ‘min ang tagumpay
mauwi ko sa ‘min ang tagumpay
mauwi ko sa ‘min ang tagumpay (ahh)

[refrain]
handang mamatay at pumatay, para magtagumpay
pusong do*do*do or die
handang mamatay at pumatay, para magtagumpay
pusong do*do*do or die
handang mamatay at pumatay, para magtagumpay
pusong do*do*do or die

[verse 3]
ako’y parang estudyanteng hara*haragan
nangarap magsumak*mlaude sa kalakaran
ng mga turo at diskarte para*paraan
karanasan ang guro’t kalye ang paaralan
sinumpa’t pinangako kahit na malabo
‘yung nando’n sa malayo’y mararating ko din
liwanag ma’y maglaho at araw ay magtagos
mas kikinang pa lalo na parang bituin
kahit ga’no man kadilim ang buhay
na para kang unti*unting nalilibang sa hukay
magniningning sa kulay, pagkatapos makabangon
ang natapos na kahapon ang magsisilbing patunay
taya’y pati*pato kahit anuman
ang pwede’t posibleng maging hantungan
naisangag ko na ang kaning bahaw
bago pa mapanis sa’king baunan
mga nag*abon nung ako ay taglugi
kasama ko ‘pag nagbunyi, pasasalamat ang sukli
no’ng ako’y ‘di pa tuli, wala pang ngipin at bungi
mga nanghamak ay parang makahiyang napatupi
naglakbay bunga ng pag*ibig, galit o muhi
kasama ang pangakong kahit sa pula man o puti
o kahit sa’n makarating, ‘pag nagtagpo tayong muli
[outro]
sa pagbalik, tagumpay na ang pasalubong pauwi, uh (ahh)
sa pagbalik, tagumpay na ang pasalubong pauwi, uh (ahh)
sa pagbalik, tagumpay na ang pasalubong pauwi, uh

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...