lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu sinungaling – stick figgas

Loading...

[verse 1]
sinungaling ka, sinungaling ako
sino nga ba sa atin ang nagsasabi ng totoo?
sinungaling ang simbahan, sinungaling ang gobyerno
sinungaling ‘pag sinabing ‘di ‘to galing sa kwaderno
sinungaling ang radyo, sinungaling ang dyaryo
baradong inidoro, sinong galing sa banyo?
mahirap malaman kung sino sa atin ang tapat
sapagkat para sa’kin sinungaling ang lahat
sinungaling ang nagpresyo sa resto ng tapsi
sinungaling ang tsuper pati ‘yung metro ng taxi
sinungaling ang kasintahan anak ng tinapa
sabi niya ikaw lamang at wala nang iba pa
kasama niya ‘yung sinungaling mong tunay na kaibigan
na dadamay sa’yo hanggang sa hukay mo sa libingan
pa’no mong malalaman ako’y nanloloko lamang
sinungaling ako at yun ang katotohanan
[chorus]
kahit na sarili ko ‘di ko mapagkatiwalaan
‘di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
sino ang tapat? sino ang ‘di totoo, sino, sino, sinungaling ako?
kasinungalingan sa kaliwa’t sa kanan makinig ka muna
upang mapaliwanagan kung walang tapat sa’yo
ikaw ay aking tatapatin sino, sino, sinungaling ka rin

[verse 2]
meron akong kwento isa daw siyang henyo
kaya pala kasi mahilig siya mag*imbento
bawat may makilala may pangit na komento
pero ‘pag kaharap parang galing sa k*mbento
makamandag kasi dila ay hawig sa ahas
dahilan para kagatin ni eba ang mansanas
ngunit ako’y matalas, wala na siyang takas
alam na namin na ‘di siya lumalaban ng patas
mag ingat ka na rin, may balak siyang maitim
alam ko’y ahas lang ngunit tao’y nagbabalat na rin
iba’t iba ang hugis at kulay, sa ‘pag sisinungaling siya nabubuhay
pagkakaibigan ang binayad tapos ito ang sukli ko
dapat ka lang sa dilim kasi ang itim ng budhi mo
lumayo ka sa’kin, ‘wag mo ‘kong kausapin
alam mo na ayoko sa lahat ay sinungaling

[chorus]
kahit na sarili ko ‘di ko mapagkatiwalaan
‘di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
sino ang tapat? sino ang ‘di totoo, sino, sino, sinungaling ako?
kasinungalingan sa kaliwa’t sa kanan makinig ka muna
upang mapaliwanagan kung walang tapat sa’yo
ikaw ay aking tatapatin sino, sino, sinungaling ka rin
[verse 3]
‘di ko alam kung sino ang mga bulaan
pero susubukan kong hulaan
mga nakangiti sa pagkislap ng ilaw na parang isang larawan
at biglang dinaig ng mga bulungan ang tawanan
na parang paligsahan, batuhang kaliwa at kanan
kasing kinang ng perlas ng kasinungalingan
pero bakit ba malabo ang katotohanan?
ng*yon subukan mong bilangin
kung ilan ang tunay mong kaibigan
isa, dalawa o sampu, ilan?
ilan ang pwede mong silungan sa gitna ng ulan?
ilang ang tunay na bakas na maaring mong sundan?
at ilan na ba ang patalim mo sa likuran?
anong nakita mo paglingon sa’yong pinanggalingan?
‘di na rin ako naniniwala sa kasabihan
kaya ‘wag ka magtaka at itanim sa isip
minsan mas sinungaling ang kakampi mo
kaysa sa’yong kalaban

[chorus]
kahit na sarili ko ‘di ko mapagkatiwalaan
‘di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
sino ang tapat? sino ang ‘di totoo, sino, sino, sinungaling ako?
kasinungalingan sa kaliwa’t sa kanan makinig ka muna
upang mapaliwanagan kung walang tapat sa’yo
ikaw ay aking tatapatin sino, sino, sinungaling ka rin
[verse 4]
isipin mo na nasa gubat ka, ika’y giniginaw
‘di mo alam ang daan palabas, ika’y naliligaw
may dalaw*ng daanan, kaliwa at kanan
mayron dalaw*ng nakabahag na nakaharang
‘yung isang daan papunta sa kabihasnan
‘yung isa naman papuntang kapahamakan
‘yung isang nakabahag laging nagsisinungaling
‘yung isa naman tapat pero isipin mo pa rin
‘di mo alam kung sino sa kanila ang huwad
magkamukhang*magkamukha, parehas pang nakahubad
isang tanong lang ang pwede mong itanong sa kanila
para makalabas sa gubat at makapagpahinga
ang sagot sa tanong na ‘to ay palaisipan
kung gusto mong matuklasan, nasa papel ng cd ‘yan
pa’no mo malalaman na ako’y nanloloko lamang
sinungaling ako at ‘yon ang katotohanan

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...