lirikcinta.com
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu hindi ko masabi – still one feat. mhyre

Loading...

ano pa ba’ng kulang? binig*y ko naman lahat ng kailangan mo upang
matutunan mo pa ‘kong mahalin at ‘di ko ginawa ‘yon para maging utang
na loob mo, nang sa gano’n bawat pabor ko, ako’y ‘di mo matanggihan

wala ‘kong hininging kapalit kahit na no’ng minsan ikaw ay ‘di ko natabihan

sa mga pagkakataong ‘di mo ipinaramdam sa ‘kin na ako’y may halaga
inunawa kita’t mas lalong minahal, kahit na alam kong ikaw ay abala sa iba
pinikit ko ang mga mata upang hindi ko makita ang totoo
dahil nga sa ika’y aking minamahal at ayokong tayo ay maging magulo

‘di ba wala kang nakita sa ‘kin kahit na kaunting bahid ng pangit
na ugali? sa halip ay puro kabaitan at pag*ibig na abot*langit
pero sa kabila ng lahat ay nagawa mo pa ring makipaghiwalay
ano ba’ng pagkakamali? bakit sa ganitong sitwasyon mo ba ‘ko inilag*y?

‘di ko masabi ang nadarama, damdamin ko’y nahihiya
marahil hanggang kaibigan lamang ang aking pagtingin sa ‘yo
paano ko ba ito sisimulan, magmula nitong aking nararamdaman?
pinilit ko namang gawin, ngunit ang puso ko’y hindi ka kayang mahalin

may pagkakamali ba ‘ko sa ‘yo na ipinakita?
may nakarating ba sa ‘yong ‘di magandang balita?
sabihin mo, nang ang aking pusong luhaan ay ‘di na nagtatanong
kung bakit ng*yon ang laki na ng iyong pinagbago

‘di ka na ‘yung dating palangiti, palatawa
ngumiti ka man pilit, pakiramdam ko’y wala ka nang gana
bakit hindi mo masabi? sa ‘yong sagot, ako’y naghihintay
ba’t mo ibinalik ang aking mga ibinig*y?

ano ang dahilan, bakit mo ba ginagawa ‘to?
sana sinabi mo sa ‘kin upang naging handa ‘ko
sa sakit na maari kong matamo sa paglayo mo
siguro’y aral lang sa ‘kin ‘to upang ako’y matuto

‘di ko masabi ang nadarama, damdamin ko’y nahihiya
marahil hanggang kaibigan lamang ang aking pagtingin sa ‘yo
paano ko ba ito sisimulan, magmula nitong aking nararamdaman?
pinilit ko namang gawin, ngunit ang puso ko’y hindi ka kayang mahalin

minahal mo ba ako talaga o ginamit mo lang para makuha ang lahat ng mga gusto mo?
alam mo ba ‘yung pakiramdam na parang natutunaw ang aking mundo
sa t’wing pinapamukha mo sa ‘kin na hanggang magkaibigan na lang tayong dalawa?
ni hindi nga ‘ko nakagawa sa ‘yo ng pagkakamali, pero kung ‘yan ang gusto mo, wala akong magagawa

kung ‘di tanggapin na lamang, kahit na labag sa aking kalooban
sana sinabi mo na ‘di mo ‘ko kayang mahalin, ‘di mo na lamang sana ako inoohan
‘di ka na sana nangako, nang hindi ako umasa pa na tayo ay nagmamahalan na
pero ang totoo ay puro ka lang pala salita, sige, kung ‘yan ang ‘yong pasya, mahal

sana makahanap ka ng taong katulad ko na kayang maibig*y din ‘yong mga pangangailangan
kung sakaling kailanganin mo ako, tumawag ka lang darating ako agad nang hindi nag*aalinlangan
hanggang dito na lang, patawad kung nabaon ka sa utang na loob na dahilan na ba’t ‘di mo masabi
ang tunay mo na nadarama, kahit hindi na tayong dalawa para sa ‘yo, ako’y nandito lang palagi

‘di ko masabi ang nadarama, damdamin ko’y nahihiya
marahil hanggang kaibigan lamang ang aking pagtingin sa ‘yo
paano ko ba ito sisimulan, magmula nitong aking nararamdaman?
pinilit ko namang gawin, ngunit ang puso ko’y hindi ka kayang mahalin

‘di ko masabi ang nadarama, damdamin ko’y nahihiya (nahihiya)
marahil hanggang kaibigan lamang ang aking pagtingin sa ‘yo
paano ko ba ito sisimulan, magmula nitong aking nararamdaman?
pinilit ko namang gawin, ngunit ang puso ko’y hindi ka kayang mahalin

lirik lagu lainnya :

YANG LAGI NGE-TRENDS...

Loading...