lirik lagu ako’y sawa na – supremo pablo
[verse 1:]
ako’y sawa na, araw araw paulit ulit
para bang ang buhay ay hindi na nasusulit
walang magawa, ganito nanaman
lagi nalang ang mga araw ko ay walang laman
ako’y sawa na, laging nauunahan
di ko alam kung ako ba ang may kasalanan
tinanong sa mga tala, humanap ng sagot
ano ang dahilan kung bakit masalimoot
nagsama sama ba ang mga bituin?
para nawa’y ako ‘di pagpalarin
di ko makuha ang mga hangarin
tutunganga nalang ba ako sa hangin
saw-ng sawa na, akong ipagpalit
bukas ay siguradong ganito nanaman ulit
kelan kaya ako makakakuha ng aginaldo
kelan ko kaya mararanasan ang bag-y na bago
[hook:]
ako’y saw-ng sawa na
ang gana ko’y wala na
ganun parin ang takbo at kalakaran
ilang taon nang lumipas at nagdaan
ako’y saw-ng sawa na
pagbabago’y nasaan na
simulan sa sarili at wag hanapin sa iba
tumingin sa salamin bago ka mag-salita
[verse 2:]
nais ko na sa sitwasyon ko’y umalis
kating kati sa pagbabago para bang merong galis
aking nakaraan, burahin at iwalis
maranasan ko naman ang buhay na matamis
nakakasawa, walang umuunawa
sa sarili ko, ako ay naaawa
di ko na maalala kung kelan huling tumawa
luha na naipon sa mata singlalim na ng lawa
di makita ang ilaw sa dulo ng lagusan
nung nagbig-y ng swerte, ako ay naubusan
pintuan kinatok, ayaw akong pagbuksan
kaya ng-yon ako’y nalulungkot na ng lubusan
lahat ng pagsisikap, hindi balewala
tuloy tuloy parin kahit kinakapos
sila magdidikta, kung san ka magsimula
pero nasa kamay mo na kung san ka magtatapos
[hook:]
ako’y saw-ng sawa na
ang gana ko’y wala na
ganun parin ang takbo at kalakaran
ilang taon nang lumipas at nagdaan
ako’y saw-ng sawa na
pagbabago’y nasaan na
simulan sa sarili at wag hanapin sa iba
tumingin sa salamin bago ka mag-salita
[verse 3:]
umay na umay na sa mga nagaganap
kahit todo big-y wala paring natatanggap
kunwari ay kuntento pwede pako magpanggap
putahe na tagumpay di ko alam ang sangkap
kahit sawa na, ako’y determinado
malakas ang kalooban at hindi magpapatalo
gumising na at ang mga mata ko ay namulat
na ang kapalaran ko ay ako rin ang magsusulat
gutom na gutom at handa akong kainin
kahit anong ilatag sa lamesa inihain
hindi ako t-tigil hanggang sa mapasaakin
mga tala sa himpapawid handa akong tahakin
libre lang mangarap kaya lakihan mo na
unti untihin, at di namalayan na
panaginip dati ay naging realidad
naglalakad lang dati ng-yon ay lumilipad
[hook:]
ako’y saw-ng sawa na
ang gana ko’y wala na
ganun parin ang takbo at kalakaran
ilang taon nang lumipas at nagdaan
ako’y saw-ng sawa na
pagbabago’y nasaan na
simulan sa sarili at wag hanapin sa iba
tumingin sa salamin bago ka mag-salita
lirik lagu lainnya :
- kumpulan lirik lagu fay hield › lirik lagu mad family – fay hield
- kumpulan lirik lagu me nd adam › lirik lagu new york suicide – me nd adam
- kumpulan lirik lagu aiman jr › lirik lagu chin chin – aiman jr
- kumpulan lirik lagu xenfromolten › lirik lagu demolition – xenfromolten
- kumpulan lirik lagu stacy wilson › lirik lagu bde (big dick energy) – stacy wilson
- kumpulan lirik lagu knowledge kappel › lirik lagu rain on me – knowledge kappel
- kumpulan lirik lagu will markz › lirik lagu anyway – will markz
- kumpulan lirik lagu shambalone › lirik lagu завязывай – shambal’one
- kumpulan lirik lagu silvano marcos › lirik lagu expressão de amor – silvano marcos
- kumpulan lirik lagu azul reves › lirik lagu a descoberta – azul revés